HINIMOK ng Department of Health (DOH) Eastern Visayas ang Local Government Units (LGUs) na mag-apply para sa pondo upang makapagpatayo ng sarili nilang super health centers, na upgraded version ng rural health units na nag-aalok ng karagdagang medical services at equipment.
Ayon kay Engr. Narcissa Zeta ng DOH-8 Health Facility Enhancement Program, layunin ng super health centers na palawakin ang healthcare access, partikular sa mga lugar na hindi gaanong nase-serbisyuhan.
4 katao, patay sa vehicular accident sa Samar
Responders at emergency teams, pinapurihan sa kanilang dedikasyon sa isinagawang training sa Calbayog City
LandBank, palalawakin ang kanilang serbisyo sa Eastern Visayas
Mahigit 200 na pamilya sa Eastern Samar, lumikas bunsod ng pagbaha na dala ng Shear Line
Sa ngayon aniya, sa lalawigan lamang ng Leyte ay dalawampung LGUs pa lamang ang nag-apply ng pondo para sa super health centers, kabilang ang siyam na operational na.
Matatagpuan ang mga ito sa Baybay city at sa mga munisipalidad ng Bato, Dulag, Kananga, Alangalang, San Isidro, Albuera, Tanauan, at Inopacan.
Noong Feb. 28 ay pinangunahan ni Zeta at iba pang DOH officials ang groundbreaking ceremony para sa bagong super health center sa Matag-ob, Leyte na pinaglaanan ng 12 million pesos.
