Boluntaryong isinuko ni Engr. Brice Hernandez sa Independent Commission on Infrastructure o ICI ang isa sa kaniyang mga luxury cars.
Ayon kay ICI chairperson Andres Reyes Jr. ang pagsuko ni Hernandez sa nasabing sasakyan ay “sign of good faith” at pagpapakita ng kahandaan na makipagtulungan sa komisyon.
Ang isinukong sasakyan ang GMC na unang tinukoy ni Hernandez sa senate hearing na nagkakahalaga ng 10 million pesos.
Sinabi ng ICI na nakatakda ring isuko ni Hernandez ang iba pang niyang luxury cars gaya ng Ferrari, Lamborghini at iba pang mamahaling motorsiklo.




