16 August 2025
Calbayog City
Metro

Luncheon meat, beer galing China nakumpiska ng CIDG; 7 kabilang ang 5 Chinese arestado

arestado

Arestado ang pitong katao kabilang ang limang Chinese Nationals sa ikinasang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group sa isang warehouse sa Brgy. Marcelo, Parañaque City.

Sa nasabing operasyon nakumpiska ng mga otoridad ang mahigit P1.1 million na halaga ng luncheon meat at beer galing China na hindi rehistrado sa Food and Drug Administration.

Ayon sa CIDG, nadakip sa operasyon ang limang Chinese na nagmamay-ari ng warehouse at ang dalawang Pinay na kanilang empleyado.

Kabilang sa nakumpiskang mga produkto ang 500 cases ng “SNOW BEER” in cans at 300 kahon ng “MEILING” pork luncheon meat.

Ayon sa CIDG, ang mga naaresto ay ipinagharap na ng reklamong sa Republic Act No. 9711 o “Food and Drug Administration Act of 2009” dahil sa pagbebenta ng mga produktong hindi rehistrado sa FDA.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).