13 October 2025
Calbayog City
National

LTO personnel sa buong bansa, pinaghahanda na para sa Semana Santa

INATASAN ni Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang lahat ng regional directors at iba pang opisyal ng ahensya na simulan na ang paghahanda para sa ipatutupad na road safety plans upang maasistehan ang mga motorista at biyahero sa Holy Week.

Inaasahang milyon-milyon ang bibiyahe pauwi sa kani-kaniyang mga lalawigan para sa mahabang holiday break.

Partikular na pinatitiyak ni Mendoza ang pagkakaroon ng visibility ng LTO personnel sa mga pangunahing lansangan para sa law enforcement at pagsasagawa ng random at surprise inspections sa mga bus terminal.

Kailangan ayon kay Mendoza na masiguro ang mental at physical readiness ng mga driver at konduktor para sa kaligtasan ng mga biyahero.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).