Gagamitin ng Land Transportation Office (LTO) ang mga camera ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para mai-record ang traffic violations sa National Capital Region.
Sinabi ni LTO Chief, Atty. Vigor Mendoza na ang MMDA videos ang gagamitin nilang basehan para sa show-cause orders laban sa mga motorista na lumabag sa batas trapiko.
Sa ilalim ng kasunduan, ipo-forward ng MMDA ang mga video ng violations, kabilang na ang mga detalye, gaya ng petsa at oras ng paglabag, pati na ang license plate ng sasakyan.
Inihayag ni Mendoza na sa umpisa ay tututukan muna ang mga violator sa EDSA Busway.