Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang special permits para sa 829 units ng public utility vehicles (PUVs) para sa idaraos na eleksyon.
Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III sa 880 na aplikasyon para sa special permits na kanilang natanggap, 829 units ang naaprubahan.
Valid ang special permits simula May 9 hanggang 18, 2025.
Ani Guadiz, ang mga PUV na nabigyan ng special permit ay papayagang makabiyahe sa ruta na labas sa kanilang authorized routes para maserbisyuhan ang mas maraming biyahero.
Inaasahan kasi na dadagsa ang mga bibiyahe para makaboto.