PINULONG ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang department heads ng lungsod para talakayin ang implementasyon ng 4-day onsite work arrangement at iba pang energy conservation protocols, alinsunod sa Memorandum Circular No. 114.
Sa pamamagitan ng circular na inisyu noong March 6, isinapormal ang direktiba mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga government agency sa Executive branch na i-adopt ang temporary 4-day work week, simula March 9.
Ito’y bilang bahagi ng mga hakbang upang mapagaan ang epekto ng lumulobong presyo ng langis dulot ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East.
Sa ilalim ng bagong arrangement, sumang-ayon ang City Government sa 8:00 A.M. to 6:00 P.M. schedule, na may 4 na oras na work from home kapag Biyernes.
Hindi naman saklaw ng bagong work schedule ang frontline at health services.




