HINILING ng prosecutors na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon Suk Yeol kapag napatunayang guilty sa kanyang bigong pagtatangka na magpatupad ng Martial Law.
Dininig ng Korte sa Seoul ang closing arguments sa trial ni Yoon, kung saan inakusahan ang dating presidente na “ringleader of an insurrection.”
ALSO READ:
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Iran, nagbantang gaganti kapag umatake ang US sa gitna ng ginagawang pagkontrol sa mga nagpo-protesta
2 ‘shadow fleet’ tankers na iniugnay sa Venezuelan oil, kinumpiska ng US
Nag-ugat ang kaso sa pagtatangka ni Yoon noong Dec. 2024 na magpatupad ng batas militar sa South Korea, na bagaman tumagal lamang ng ilang oras ay naglugmok sa bansa sa political turmoil.
Kasunod nito ay in-impeach ng parliament si Yoon at ikinulong para humarap sa paglilitis.
