INATASAN ng Department of Transportation (DOTr) ang Office for Transportation Security (OTS) na mahigpit na bantayan ang airport security screening officers.
Kasunod ito ng pag-alis kamakailan sa tatlong personnel na inakusahang nagnakaw ng cash mula sa isang dayuhang pasahero.
Mga mambabatas, dumepensa sa paghawak ng Kamara sa impeachment laban kay VP Sara
Paggunita ng Holy Week sa buong bansa, nananatiling generally peaceful, ayon sa PNP
Paglikha ng compassionate at nagkakaisang bansa, panawagan ni PBBM sa mga Pilipino sa pagdiriwang ng Easter Sunday
Impeachment complaint vs COMELEC officials hindi aatrasan
Tiniyak ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na may kalalagyan at maparurusahan ang mga security screening officer kapag napatunayang nagkasala ang mga ito.
Nagbabala rin ang DOTr na mahaharap sa legal na aksyon ang mga tiwaling airport personnel.
Ayon sa ahensya, dalawang security screening officers at isang supervisor sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang ni-relieve sa kanilang pwesto matapos mawalan ang Australian national ng 7,000 pesos at 1,000 new Taiwan dollar o katumbas ng 1,800 pesos.
Nahaharap din ang tatlo sa criminal at administrative charges.
