IDINEKLARA ng House Committee on Justice na sufficient in substance ang dalawang impeachment complaints na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte.
Ang dalawang reklamo ay ang isinampa ng grupo ni Rev. Fr. Joel Saballa o 3rd impeachment at ang ika-apat na impeachment na inihain ni Atty. Nathaniel Cabrera.
Matapos ang dalawang araw na mabusising paghimay at debate sa nilalaman ng articles of impeachment, nagpasya si Congw. Gerville Luistro, Chairperson ng Komite, na isalang sa hiwalay na botohan ang dalawang natirang complaint.
Sa botohan, kapwa nakakuha ng 54 affirmative votes o nagsabing may sapat na sustansya ang 3rd at 4th complaint. May tig-isa ring no vote o walang sapat na substance ang dalawang impeachment complaints habang walang abstention.




