22 November 2024
Calbayog City
Metro

Skyway, sinusuri kung apektado ng malalim na butas na nadiskubre sa Sales Road

SINUSURI na ng mga otoridad ang malalim na butas sa Sales Road, kung may epekto ito sa integridad ng pundasyon ng Skyway, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa press conference, inihayag ni MMDA Chairperson Romando Artes na sa ngayon ay safe ang Skyway.

Aniya, kailangan lamang i-assess ang epekto ng naturang sinkhole, pati na ang lawak ng pinsala nito.

Noong linggo ay nadiskubre ng mga otoridad ang malalim na butas sa Sales Road, malapit sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Unang napansin ang butas na may maliliit na bitak dakong ala sais ng umaga, subalit mabilis itong lumaki ng hanggang tatlong metro at may lalim na sampung talampakan.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *