Mababa pa ang tsansa na maging ganap na bagyo sa susunod na 24 na oras ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.
As of 8:00AM ngayong Biyernes, Oct. 18, ang LPA ay huling namataan sa layong 1,885 kilometers East ng Eastern Visayas.
Ayon sa PAGASA, ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ ang nakaaapekto sa Mindanao.
Dahil sa ITCZ, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, BARMM, Davao Oriental, Davao Occidental, at Davao del Sur.