NAGLAGAY ang Metropolitan Manila Development Authority ng mas malakas na pumping system sa EDSA-Shaw Tunnel.
Ayon sa MMDA, Flood Control and Sewerage Management Office, makatutulong ito para maiwasan ang mabilis at madalas na pagbaha sa tunnel.
Kabilang sa inilagay ang malalaking sump pit o basin, mas malalaking tubo, at submersible pumps para mabilis ding maalis ang naiipong tubig-ulan.
Target ng MMDA na panatilihing passable ang EDSA-Shaw Tunnel kahit nakararanas ng malakas na buhos ng ulan.




