PINAG-aaralan ni Eastern Samar Lone District Rep. Christopher Sheen Gonzales na magpatupad ng mga hakbang upang malimitahan ang pagdaan ng mabibigat na truck sa kahabaan ng mga highway sa lalawigan.
Ito’y bilang tugon sa mabilis na pag-deteriorate o paglala ng kondisyon ng mga kalsada bunsod ng pagdami ng mabibigat na sasakyan sa mga nakalipas na buwan, na personal niyang na-obserbahan.
Mahigit 196 billion pesos na halaga ng mga proyekto, inendorso ng Regional Development Council sa Eastern Visayas
Calbayog bishop, hinikayat ang lahat na maging instrumento ng pag-asa at pagbabago sa lipunan
NGCP, may pahinumdom hiunong hin pagpapalupad hin saranggola
Regional Level Top 7 Most Wanted Person, arestado ng Calbayog CPS
Ang pagdami ng dumadaang truck ay iniuugnay sa load limit na ipinatutupad sa Calbiga Bridge sa Samar.
Oct. 27, 2025, nang mahigpit na ipatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 15-ton gross vehicle weight limit sa tulay bunsod ng structural deterioration.
Sa ilalim ng naturang restriction, isang sasakyan lamang ang maaaring tumawid sa tulay at ipinagbabawal ang pagdaan ng mabibigat na truck.
