ANG mga driver naman ng jeep sa Metro Manila ang sunod na makakatanggap ng cash relief assistance ngayong Miyerkules, March 25.
Sa kanilang Facebook page, inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang listahan ng mga driver ng jeep na makatatanggap ng five thousand pesos na tulong pinansyal.
Ibinahagi na rin ng LTFRB ang mga venue kung saan isasagawa ang payout.
Ayon sa LTFRB, ang listahan ng mga benepisyaryong driver ng jeep ay batay sa datos na ibinigay ng mga Local Government Units at PUJ operators.
Para sa mga kukuha ng benepisyo, kailangan lamang dalhin ang orihinal at photocopy ng kanilang driver’s license.
Pinaalalahanan ng LTFRB ang mga driver na sundin ang kanilang schedule upang maiwasan ang siksikan at mas mapabilis ang proseso ng pamimigay ng ayuda.




