13 August 2025
Calbayog City
Metro

Lisensya ng SUV driver na nag-counterflow sa Skyway, tuluyan nang pinakansela ng DOTr

IPINAG-utos ng Department of Transportation (DOTr) na tuluyan nang kanselahin ang lisensya ng driver ng SUV na nag-counterflow sa kahabaan ng Skyway.

Sa video footage mula sa DOTr, makikitang nag-counterflow ang SUV, dakong alas tres ng madaling araw noong Sabado.

Sinabi ni DOTr Secretary Vince Dizon na inatasan niya ang Land Transportation Office (LTO) na i-revoke, perpetually, ang lisensya ng driver, dahil lubhang delikado ang ginawa nito.

Idinagdag ni Dizon na bagaman pina-isyuhan niya ng Show Cause Order ang driver, ay iniutos niya sa LTO na huwag itong palagpasin.

Plano rin aniya ng DOTr na sampahan ng reklamo ang SUV driver, habang hinihintay ang report mula sa Tollway officers.

Sinuspinde na ang lisensya ng driver sa loob ng siyamnapung araw habang gumugulong ang imbestigasyon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).