SUMAMPA na sa mahigit isanlibo ang naisakay na trucks ng Government-Sponsored na Roll-On, Roll-Off (RORO) Trips, para makapaghatid ng essential goods sa pagitan ng Tacloban City at Basey, Samar, sa gitna ng San Juanico Bridge Crisis.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Eastern Visayas Regional Director Lord Byron Torrecarion, nakapagsilbi na ang programa sa 1,075 cargo trucks at fuel tankers sa buong Tacloban – Amandayehan – Basey Corridor, simula nang ilunsad ito noong June 18.
Saklaw ng programa ang cargo trucks at delivery vehicles na opisyal na nagta-transport ng essential at perishable goods, gaya ng pagkain, gamot, tubig, animal feed, at petrolyo
Kasama rin dito ang government at humanitarian vehicles na nasa Official Duty at may sakay na relief goods o logistical support para sa Disaster Response Operations.