INANUNSYO ng Quezon City Public Library (QCPL) ang pagbabalik ng kanilang libreng Online Basic Japanese Language Classes ngayong taon.
Sa facebook post, sinabi ng QCPL na magsasagawa sila ng 11 classes o isang beses kada buwan ngayong taon simula sa Feb. 19 hanggang Dec. 9.
Ang naturang programa na inilunsad noong 2019 sa pakikipagtulungan ng Jellyfish Education Philippines, Inc., ay bukas sa lahat ng Pilipino na labing walong taong gulang patas.
Kinakailangang lamang ng laptop, desktop, o smartphone, pati na stable internet connection at zoom account.