Ipatutupad ang total shutdown sa Angat Hydro-Electric Powerplant simula sa Nov. 6, 2023 hanggang Jan. 6, 2024 para sa repair at rehabilitation.
Sa statement ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), Maynilad, at Manila Water, kinakailangan anila ang animnapu’t isang (61) araw na pagsasara sa planta upang mapahaba ang lifespan nito para matiyak ang stable na supply ng tubig para sa mga kabahayan at irigasyon.
Tiniyak naman ng MWSS ang tuloy-tuloy na supply ng tubig sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, at Rizal sa panahong sarado ang planta, dahil sa binuong guidelines sa operasyon ng Angat dam spillway at low-level outlet.
Inihayag din ng ahensya na sinang-ayunan ng National Water Resources Board, National Power Corporation, at National Irrigation Administration ang mga panuntunan.