19 December 2025
Calbayog City
Entertainment

Pokwang, inamin na kapatid niya ang viral driver na binatukan ang lalaking nagtutulak ng kariton; comedian, nag-sorry

HUMINGI ng paumanhin si Pokwang sa ngalan ng kanyang pamilya matapos mag-viral ang kanyang kapatid sa social media dahil sa pambabatok sa lalaking nagtutulak ng kariton sa kalsada.

Una nang sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang hindi tinukoy na driver ng kulay puting Toyota Hilux na nakuhanang binatukan ang lalaking nagtutulak ng kariton habang nagtatalo.

Nakita rin sa video ang batang anak ng lalaki na iyak ng iyak matapos masaksihan ang away sa kalsada.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).