MAHIGIT 1,290 na mga residente mula sa tatlong barangay sa Calbiga, Samar ang mayroon ng direktang access sa malinis at ligtas na inuming tubig matapos makumpleto ang pag-upgrade sa isang major water system.
Kasunod ito ng pag-turnover ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang upgraded Level II to Level III Water Supply System na nagsisilbi sa mga Barangay Mahangcao, Borong, at Macaalan.
ALSO READ:
1-billion peso support fund, magpapalakas sa zero balance billing sa provincial hospitals
DOH, binuksan ang kauna-unahang mall-based wellness clinic sa Eastern Visayas
BFAR, nagsasagawa ng assessment kaugnay ng iligal na pangingisda sa Eastern Visayas
6 na miyembro ng NPA, sumuko sa mga awtoridad sa Eastern Visayas
Ito ay bahagi ng hakbang ng national government na mapagbuti ang health, sanitation and basic services sa local communities.
