PINADAPA ni Leylah Fernandez ng Canada ang katunggaling si Jaqueline Cristian ng Romania, sa score na 6-3, 7-5, sa pagsisimula ng kanyang kampanya sa 2025 Monterrey Open sa Mexico.
Si Fernandez na may dugong Pilipino ay galing sa Back-to-Back Early Exits sa Montreal at Cincinnati, kung saan natalo siya sa First at Second Rounds.
ALSO READ:
Pinay Tennis Sensation Alex Eala, naghahanda na para sa mga susunod na lalahukang High-Profile Tournaments
Creamline, nasungkit ang Bronze Medal sa PVL on Tour matapos ma-sweep ang Cignal
Pagbebenta sa Boston Celtics sa halagang 6.1 billion dollars, inaprubahan ng NBA
Michole Solera ng Gensan Warriors, pinatawan ng MPBL ng Lifetime Ban at multa matapos suntukin si Jonas Tibayan ng Mindoro Tamaraws
Nito lamang Hulyo ay nasungkit ng Canadian Tennis Star ang Washington Open Title matapos payukuin si Anna Kalinskaya ng Russia sa Finals.
Una nang napasakamay ni Fernandez ang kampeonato sa Monterrey Open noong 2021 at 2022.