NAGBABALA ang legal team ni Rhian Ramos na handa silang sampahan ng civil at administrative cases ang mga aatake sa aktres.
Sa ngayon ay tukoy na ng kampo ni Rhian ang mga indibidwal na nagsimula ng mga malisyosong pag-atake sa kapuso actress.
Ipinaalala ng Kapunan & Castillo Law Offices sa publiko na bagaman celebrity ang kanilang kliyente ay mayroon pa rin itong pribadong buhay sa labas ng kanyang show.
Ang naturang hakbang ay kasunod ng iba’t ibang fake news na kumalat sa social media, matapos ang akusasyon ng dating driver ni Rhian na umano’y iligal na ikinulong at binugbog ng aktres, kasama sina Michelle Dee at Samantha Panlilio.




