PINANGALANAN na ang dalawang lead stars ng live-action movie remake ng “Tangled” ng Disney.
Sina Teagan Croft at Milo Manheim ang napiling gumanap bilang Rapunzel at Flynn rider sa planong remake ng sikat na 2010 movie.
ALSO READ:
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Dennis Trillo, ipinagtanggol ang misis na si Jennylyn Mercado sa gitna ng umano’y hindi pagkakasundo sa mga biyenan
Si Croft ay nakilala sa kanyang pagganap bilang Rachel A.K.A. Raven sa “Titans” habang si Manheim ay bumida sa “Zombies” franchise ng Disney.
Sunod sa cast list ay ang aktres na gaganap na kontrabida bilang mother Gothel, kung saan kabilang sa mga matutunog na pangalan ay Scarlett Johansson at Kathryn Hahn.
Ang original na “Tangled” ay kumita ng mahigit 592 million dollars o halos 34 billion pesos sa Global Box Office.
