UMANI ng mga negatibong reaksyon ang panawagan ni Swerte Party-list Rep. Arlyn Ayon na suspendihin muna ang panghuhuli sa mga lumalabag sa batas trapiko sa gitna ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.
Natural lamang na tumutol ang mga traffic enforcement agencies dahil magmumukhang Wild West ang mga lansangan.
Ika nga, “Ano kayo, sinuswerte!”
Pero marahil ay alam ni Rep.Ayon kung gaano kataas ang multa na ipinapataw sa ilalim ng Joint Administrative Order (JAO) na matagal nang pinapalagan ng transport sector.
Ito ang JAO na basehan ng mga matataas na multa sa batas trapiko at sa public transport.
Maaari siguro mapag-aralan ng ating mga mambabatas sa pangunguna ni Rep. Ayon na rebisahin ang JAO na matagal nang nagpapahirap sa transport sector .
” Excessive penalties which are NO longer reasonable must not only be suspended but must be disregarded.”
So panawagan po ng LCSP kay Rep. Ayon tingnan niya ang JAO at baka sa kanya ay swertehin ang transport sector na mapababa ang mga penalties sa ilalim ng JAO.




