Ipinatawag na ng Land Transportation Office (LTO) ang driver ng kotse sa isang viral video sa Bonifacio Global City, Taguig.
Sa nasabing video, nagmamaneho ang umano ay lasing na lalaki, at may maririnig sa background na may mga kasama ito sa sasakyan.
Pumasok pa ito sa “one way” na kalsada at nang harangin ng enforcer ay binanggit nito ang pangalan ni “Kitty Duterte”.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, nakadidismayang proud pa ang driver at mga kasama nito sa ginawa nilang paglabag sa traffic rules.
Naglabas ng Show Cause Order ang LTO laban sa may-ari ng sasakyan at driver nito at inatasang humarap sa LTO Central Office sa Oct. 15
Nabatid na ang sasakyan ay nakarehistro sa isang taga-Sta. Mesa Manila.
Inatasan ang may-ari at driver ng sasakyan na magsumite ng written explanation.
Nahaharap ang driver sa mga kasong paglabag sa Reckless Driving, Driving While Under the Influence of Liquor or Narcotic Drug at Improper Person to Operate a Motor Vehicle. Ang maximum penalty para sa nasabing mga paglabag ay revocation ng driver’s license.