14 November 2025
Calbayog City
Sports

Larry Muyang, pinatawan ng PBA ng indefinite ban dahil sa Breach of Contract

PINATAWAN ng PBA si Larry Muyang ng indefinite ban bunsod ng paglabag sa kanyang orihinal na kontrata sa kanyang mother club na Phoenix.

Inanunsyo ng liga ang sanction, matapos maglaro si Muyang para sa Pampanga Giant Lanterns sa Season 87 ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Ayon sa management ng Phoenix, mayroong live contract sa kanila ang 6-foot-6 na player, na mag-e-expire pa sa Mayo.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).