3 July 2024
Calbayog City
Business

Landbank, binawi ang Online Fund Transfer Fees para sa mga transaksyon na P1,000 pababa

WINAIVE o binawi ng Land Bank of the Philippines ang online fund transfer fees para sa mga transaksyon na nagkakahalaga ng isanlibong piso pababa.

Sa advisory, sinabi ng Landbank na ang fund transfers sa ibang bangko sa ipinadaan sa pamamagitan ng Instapay ay Pesonet ay libre na, epektibo ngayong Nov. 1, para sa mga transaksyon na hindi lalagpas sa isanlibong piso.

Samantala, inihayag ng state-run bank na para naman sa interbank fund transfer na nagkakahalaga ng mahigit isanlibong piso, maari pa rin namang ma-enjoy ng customers ang mas mababang fixed transaction fee na kinse pesos mula sa dating bente singko pesos.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *