KINUMPIRMA ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), private operator ng LRT-1, ang insidente na kinasangkutan ng isang lalaki sa Fernando Poe Jr. Station sa Quezon City.
Sa official statement ng LRMC, batay sa paunang imbestigasyon, nangyari ang insidente kaninang 10:30 AM, kung saan tumalon ang biktima mula sa platform ng istasyon at bumagsak sa kalsada ng EDSA.
Nakasaad sa pahayag na agad namang rumesponde ang LRMC security and safety team at mabilis ding dumating ang mga pulis para subukang isalba ang biktima, subalit idineklara itong dead on-site dahil sa impact ng kanyang pagbagsak.
Tiniyak din ng kumpanya ang kanilang kooperasyon sa mga awtoridad para sa isinasagawang imbestigasyon.




