3 July 2024
Calbayog City
Provincial

Lalaki, patay makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Binangonan, Rizal

binangonan

Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Batingan, Binangonan, Rizal.

Nakilala ang biktima na si Carlos Victorino, 46-anyos at residente sa nasabing bayan.

Sa kuha ng CCTV sa Brgy. Batingan, dalawang motorsiklo ang nakitang nakaparada at ang mga angkas nito ay nakitang bumaba at lumapit sa biktima at saka ito pinagbabaril.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Binangonan Municipal Police Station, natukoy na ang mga suspek ay lulan ng Yamaha Mio scooter na kulay sky blue at suzuki raider na kulay pula.

Nagsasagawa na ng dragnet operation para sa ikadarakip ng mga suspek. Masusi din ang ginagawang review sa kuha ng CCTV.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *