ISA ang patay sa pagbagsak ng helicopter sa Bayan ng Guimba, sa Nueva Ecija.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Eric Apolonio, bente singko anyos na babaeng piloto ang nasawi sa insidente.
ALSO READ:
2026 Budget ng DPWH, puno pa rin ng Kickback – Cong. Leviste
Pangulong Marcos ininspeksyon ang Camalaniugan Bridge Project at pinasinayaan ang Water Impounding sa Cagayan
Public Access sa SALN, iniutos ni Ombudsman Remulla
Mayorya ng mga Pinoy, galit sa maanomalyang Flood Control Projects – OCTA Survey
Sinabi ni Apolonio na agad na-retrieve ang katawan ng biktima subalit sa kasamaang palad ay hindi ito nakaligtas.
Walang ibang sakay ang helicopter dahil naibaba na ng piloto ang pasahero nito sa Baguio.
Inihayag naman ng Guimba Police na natagpuan ang bumagsak na helicopter sa maputik na lugar sa Barangay San Miguel.