INAMYENDAHAN ng Sangguniang Panlungsod ng Calbayog ang naunang inendorsong Gemini Wind Energy Corp. (GWEC) Project, na kinapapalooban ng konstuksyon ng wind turbines sa loob ng Calbayog Pan-as Hayiban Protected Landscape (CPHPL).
Nakasaad sa resolusyon ang masidhing pagtutol sa wind turbines sa loob ng protected area at nagde-demand ng restoration o pagbabalik sa original area ng “Strict Protection” Zone sa CPHPL.
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo
Halos 300 senior high student sa Leyte, na-hire on the spot sa job fairs
Higatangan Festival sa Biliran, kinansela sa gitna ng lumolobong presyo ng produktong petrolyo
Ito ay bago ang rezoning ng Protected Area Management Board (PAMB) para palawakin ang Multiple-Use Zone at bawasan ang protected area, na inilarawan ng mga kritiko bilang underhanded o ginawa ng pasekreto para i-accommodate ang GWEC Project.
Umani ng atensyon ang proyekto matapos matuklasan ng publiko sa online na ilang wind turbines ang itatayo sa protected area sa Calbayog.
Kabilang sa mga isyung binanggit ay ang kwestyunableng pagsasagawa ng public hearing, contestable changes ng PAMB sa zoning, at kawalan ng Environmental Impact Assessment ng isang independent body.
Tiniyak naman ng sangguniang panlungsod na hindi sila magbibingi-bingihan sa lehitimong sentimyento, kasabay ng pagbibigay diin na ang pagsira sa protected landscape area ay magbubunga ng sunod-sunod na negatibong epekto.
