Umakyat sa isandaan at labinlima (115) ang bilang ng mga Pilipino sa Gaza na nais magpa-repatriate, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Mas mataas ito kumpara sa pitumpu’t walong (78) pinoy na unang humiling na makauwi sa Pilipinas kasunod ng pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng Israel at militanteng grupong Hamas.
Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na hinihintay lamang nila ang go signal mula sa mga otoridad ng Israel para makatawid sa Rafa Border patungong Egypt.
Ayon sa DFA, nasa animnapung (60) Pilipino ang naghihintay na makawid sa mahalagang lagusan upang matakasan ang nagpapatuloy na digmaan.
Kahapon ay pinayagan ng Egyptian Authorities ang limandaang (500) mga dayuhan at dual citizens na makatawid sa Rafah, kabilang ang dalawang Pinoy mula sa doctors without borders.