SINOPLA ng filmmaker at aktres na si Bela Padilla ang komento ni Pangasinan 2nd District Rep. Mark Cojuangco tungkol sa mga indibidwal na naninirahan sa mga bahaing lugar.
Una nang nag-react si Cojuangco sa isang post sa X na may video ng mga residente habang lumilikas sa kanilang mga tahanan sa gitna ng pananalasa ng bagyo, at sinabing “bakit kasi sa flood plain gumawa ng tirahan?” Saka nilagyan ng face palm emoji, sabay dagdag ng “takaw sakuna.”
Jessica Sanchez, uuwi sa Pilipinas para sa New Year’s Countdown event
Sexbomb Girls, tinanggal si Anjo Yllana sa Lyrics ng “Bakit Papa?” sa kanilang performance sa “Eat Bulaga!”
Mr. International 2025 Kirk Bondad at Model-Actress Lou Yanong, kumpirmadong nagkabalikan
K-Pop Group na Seventeen, balik Pilipinas sa susunod na taon para sa kanilang World Tour
Ipinagtanggol din ng kongresista ang kanyang komento makaraang batikusin siya ng marami, sa pagsasabing tama naman siya, dahil ang choices ay mayroong consequences.
Sinagot naman ito ni Bela, at sinabing hindi naman maaring bigyan agad ng swimming lessons ang isang nalulunod na tao dahil kailangan muna itong masagip.
Hindi rin aniya alam ng mga karaniwang tao kung saan sila maaring magtayo o hindi ng kanilang tirahan, sabay tukoy kay Dating Pinoy Big Brother Winner Slater Young.
Nakatikim ng bagong batikos ang civil engineer sa kanyang Monterrazas De Cebu Real Estate Development, dahil maraming netizens ang sinisisi ang proyekto nito sa paglala ng baha, lalo na ng humagupit ang Bagyong Tino.
