14 November 2025
Calbayog City
Entertainment

Kylie Padilla, nag-react sa pag-amin ni AJ Raval na may mga anak na ito kay Aljur Abrenica

POSITIBONG tinanggap ng aktres na si Kylie Padilla ang pag-amin ni AJ Raval na mayroon na itong mga anak sa kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica.

Kahapon ay kinumpirma ni AJ na mayroon na itong limang anak, at tatlo rito ay kay Aljur.

Sa kanyang Facebook account, nag-post si Kylie ng maikling statement kung saan sinabi niyang matagal na niya itong alam, subalit inuna nila ang kapakanan ng mga bata.

Idinagdag ng aktres na ang importante ay close ang magkakapatid.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).