BINAWI na ng Securities and Exchange Commission ang corporate registrations ng dalawang construction firms na pag-aari ng contractor couple na sina Sarah at Curlee Discaya.
Ayon sa komisyon, inilabas ng SEC Enforcement and Investor Protection Department ang magkahiwalay na resolusyon na nagkakansela sa Certificates of Incorporation ng St. Timothy Construction Corporation at St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corporation.
Ang ground para sa pagbawi ng rehistro ng dalawang kumpanya ay ang pagsusumite nila ng “false beneficial ownership information.”
Nakasaad din sa resolusyon ng SEC na ang St. Timothy at St. Gerrard ay kailangang magbayad ng tig- 2 million pesos na penalty sa ilalim ng SEC Memorandum Circular No. 10, Series of 2022.
Magbabayad din sila ng administrative fine na 1,000 pesos per day dahil sa kanilang paglabag.




