HINIMOK ng Malakanyang ang mga mambabatas na bilisan ang pagpasa ng 2026 National Budget, dahil ayaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na patakbuhin ang gobyerno sa pamamagitan ng Reenacted Budget sa susunod na taon.
Ginawa ni ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro ang pahayag, matapos ang sabihin ni Senator Sherwin Gatchalian na nananatiling on track ang senado sa pagpasa sa 2026 General Appropriations Act (GAA), sa kabila ng “very tight” schedule.
Ayon kay Castro, kahit kapos sa panahon ay dapat bilis-bilisan ang trabaho.
Una nang inihayag ni Gatchalian na chairman ng Senate Committee on Finance na posibleng tumagal ng tatlong araw ang bicameral meetings sa pagitan ng mga miyembro ng senado at kamara.
Ang target date para lagdaan ni Pangulong Marcos ang 6.793-Trillion Peso 2026 GAA ay sa Dec. 29, 2025.




