23 February 2026
Calbayog City
National

8 katao, patay sa epekto ng Shear Line sa Davao Region, ayon sa OCD

HINDI bababa sa walong indibidwal ang nasawi bunsod ng epekto ng Shear Line sa Davao Region, ayon sa report ng Office of Civil Defense (OCD).

Sinabi ni OCD Region 11 Director Ednar Dayanghirang, na sa mga nasawi, apat ang naitala sa Davao De Oro habang ang mga natitira ay mula sa Davao Oriental.

Aniya, walo katao ang namatay bunsod ng landslides.

Halos dalawampunlibong pamilya naman ang naapektuhan ng masamang panahon sa Davao de Oro.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).