ISINIWALAT ni Kris Aquino na mayroon din siyang sakit na lupus.
Sa kabila naman ng mga iniindang autoimmune diseases, tiniyak ng Actress-TV host na patuloy siyang lalaban para sa kanyang mga mahal sa buhay at sa mga patuloy na nagdarasal para sa kanyang paggaling.
Sa kanyang post sa social media, sinabi ni Kris na bawal pa ring sumuko, tuloy pa rin ang laban.
Ang lupus ay isang sakit na nakukuha kapag inaatake ng immune system ang sariling katawan ng isang tao.