BINUWELTAHAN ng Kremlin si US President Donald Trump sa pagsasabing nagpapakita ito ng senyales ng “emotional overload.”
Ito’y matapos tawagin ni Trump si Russian President Vladimir Putin na “absolutely crazy” kasunod ng pinakamalaking aerial assault ng Moscow sa Ukraine.
Hindi bababa sa labintatlo ang mga nasawi habang ilan pa ang mga nasugatan sa Ukraine sa pagitan ng Sabado at Linggo ng gabi matapos magpakawala ang Russia ng 367 drones at missiles.
Ikinatwiran naman ni Dmitry Peskov, tagapagsalita ni Putin, na ang latest aerial assault ay ganti nila sa pag-atake ng Ukraine sa “Social Infrastructure” ng Russia.