Nagsimula na ang konstruksyon ng Samar Island Medical Center sa Calbayog City, na may paunang alokasyon na 477.68 million pesos, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi ni DPWH Eastern Visayas Regional Director Edgar Tabacon, na target nilang makumpleto ang first phase ng mother-and-child building at ang outpatient building (OPD) ngayong taon.
Sa ilalim ng 2023 appropriation, nasa 100 million pesos ang inisyal na ni-release noong huling bahagi ng nakaraang taon para sa site development at construction ng road network sa bisinidad ng proyekto.
Inatasan ang DPWH na ipatupad ang implementasyon ng konstruksyon ng dalawang four-story na mother-and-child buildings at isang outpatient na may roof deck.