MAY isasagawang Power Maintenance sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport.
Sa abiso ng pamunuan ng NAIA, layunin ng Preventive Maintenance na matiyak na ligtas at Reliable ang Electrical Systems sa paliparan.
ALSO READ:
Isasagawa ang Power Maintenance sa sumusunod na mga petsa:
November 6 to 7
November 20 to 21
November 27 to 28
Overnight gagawin ang aktibidad o mula 10:00PM hanggang 2:00Am. Mananatili namang Fully Operational ang mga Essential System gaya ng Emergency Lighting at UPS-Powered Critical Loads at wala din itong magiging epekto sa Terminal Operations.




