SINUSPINDE ng Malakanyang ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa buong Luzon at sa Region 8 dahil sa epekto ni Super Bagyong Uwan.
Sa Memorandum Circular na nilagdaaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, suspendido ang trabaho sa gobyerno ngayong araw, November 10 sa NCR, CAR at Regions 1, 2, 3, 4-A, 4-B, V, at 8.
Magpapatuloy naman ang operasyon ng mga ahensya ng gobyerno na nakatutok sa Basic, Vital at Health Services, Disaster Preparedness at Response.
Suspendido na din ang klase sa lahat ng antas sa mga paaralan sa nabanggit mga rehiyon at maging sa Regions 6, 7, at Negros Island Region ngayong araw at bukas, Martes November 11.




