SUSPENDIDO pa rin ang klase sa lahat ng antas at pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila at sa 35 pang lalawigan, ngayong Huwebes.
Ayon sa anunsyo ni Department of the Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla, maliban sa Bagyong Dante ay may bagong Bagyong Emong sa bansa.
Dahil dito batay sa rekomendasyon ng PAGASA, Office of the Civil Defense at Department of Social Welfare and Development, wala muling pasok sa sumusunod mga lugar:
1. Metro manila
2. Nueva Vizcaya
3. Ifugao
4. Mountain Province
5. Nueva Ecija
6. Quezon Province
7. Oriental Mindoro
8. Palawan
9. Marinduque
10. Sorsogon
11. Romblon
12. Masbate
13. Albay
14. Camarines Sur
15. Catanduanes
16. Antique
17. Iloilo
18. Pangasinan
19. Benguet
20. Tarlac
21. Pampanga
22. Bulacan
23. Batangas
24. Laguna
25. Rizal
26. Cavite
27. Cagayan
28. Ilocos Norte
29. Ilocos Sur
30. Abra
31. Kalinga
32. Apayao
33. Zambales
34. Bataan
35. Occidental Mindoro
36. La Union
Ayon sa DILG, bagaman suspendido ang pasok sa gobyerno sa nabanggit na mga lugar ay papasok pa rin ang mga Essential Personnel.
Samantala, inatasan naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang lahat ng Local Government Units na manatiling alerto dahil inaasahang magpapatuloy ang nararanasang sama ng panahon hanggang sa susunod na linggo.
Pinaalalahanan na aniya ng DILG ang mga LGU sa kani-kanilang responsibilidad kabilang ang pagsasagawa ng Preemptive Evacuation sa Hazard-Prone Areas.
Patuloy din ang koordinasyon ng Office of Civil Defense sa mg LGU habang fully operational naman ang Emergency 911 hotline para sa urgent concern sa mga apektadong lugar.
Ayon kay Remulla, base sa pagtaya ng PAGASA hanggang Lunes ay makararanas ng sama ng panahon sa bansa.