MALAPIT nang makumpleto ng Department of Public Works and Highways ang pagkukumpuni sa bahagi ng Maharlika Highway sa apat na rehiyon sa bansa.
Ayon sa DPWH, iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sa pagpasapit ng Semana Santa ay dapat wala nang one-way traffic sa Maharlika Highway.
ALSO READ:
Ito ay para masiguro ang ligtas at maginhawang biyahe ng mga motorista.
Kabilang sa inayos ng DPWH ang bahagi ng Maharlika Highway sa Calabarzon, Bicol, Eastern Visayas, at Caraga.
Tiniyak naman ng DPWH na mabubuksan ang mga inayos na bahagi ng kalsada bago ang dagsa ng mga motoristang uuwi sa mga probinsya.




