NAGING makabuluhan ang Holy Week break ni Kim Chiu, matapos makumpleto ang short business course sa Paris.
Para sa kanyang latest milestone, binati si Kim ng kanyang kapwa hosts sa “It’s Showtime” sa Monday episode ng noontime show.
ALSO READ:
Binigyang-diin ng actress-TV host na ang kanyang desisyon na mag-aral ng short course ay nag-ugat sa kanyang kagustuhan na ipagpatuloy ang learning at improvement.
Aniya, hindi naman tumitigil sa kung ano lang ang nalalaman natin sa buhay.
Idinagdag ni Kim na marami siyang pinag-aralan para sa future marketing purposes and business.




