LABINDALAWA ang patay habang dalawampu’t pitong iba pa ang nasugatan sa suicide attack, sa labas ng isang korte sa Islamabad na kabisera ng Pakistan.
Ayon kay Interior Minister Mohsin Naqvi, planong atakihin ng suicide bomber ang District Court House subalit hindi ito nakapasok.
Aniya, pinasabog ng attacker ang bomba malapit sa isang police car matapos maghintay ng labinlimang minuto.
Inako naman ng Jumaat Ul Ahrar, na splinter group ng Pakistani Taliban o Tehrik-e-Taliban Pakistan (TTP), ang responsibilidad sa naturang pagpapasabog.




