TINAMAAN ng dalawang drone ang US Embassy sa Riyadh na nagresulta ng bahagyang sunog at ilang material damage, ayon sa Defence Ministry ng Saudi Arabia.
Nangyari ang insidente sa gitna ng paglulunsad ng iran ng missile at drone strikes sa Gulf States na nagho-host ng US bases, kasunod ng pag-atake ng Estados Unidos at Israel noong Sabado.
Sa inisyal na impormasyon, wala namang naiulat na nasugatan, dahil walang tao sa building ng mangyari ang drone attack kaninang madaling araw.
Maaga ring nag-isyu ang embassy ng “shelter in place” para sa mga US citizen sa Riyadh, Jeddah, at Dhahran, at inirekomendang iwasan muna ang pagtungo sa embahada bunsod ng pag-atake sa pasilidad.




