Umiskor ng 41 points si Kevin Durant para pangunahan ang Phoenix Suns kontra Detroit at dating Suns coach na si Monty Williams.
Nagdagdag pa si Durant ng five assists, four rebounds, three blocked shots at isang steal para tambakan ng Suns ang host na Pistons sa score na 120-106.
Ito ang unang regular-season matchup sa pagitan ng Suns at sa kanilang dating coach na si Williams.
Makaraang sibakin si Williams bilang coach ng Suns matapos ang second-round playoff exit noong nakaraang season ay lumagda ito sa Detroit ng 6-year deal na nagkakahalaga ng 78.5 million dollars.