23 August 2025
Calbayog City
Entertainment

Belle Mariano, handang mag-grow nang hindi kasama ang ka-loveteam na si Donny Pangilinan

AMINADO ang aktres na si Belle Mariano na nakaramdam siya ng takot nang malaman na hindi niya kasama ang Love Team Partner na si Donny Pangilinan sa susunod niyang proyekto.

Kabilang si Belle sa Cast Members ng Upcoming Star Cinema Film na “Meet, Greet & Bye,” kasama sina Piolo Pascual, Joshua Garcia, Juan Karlos Labajo, at Maricel Soriano, sa ilalim ng direksyon ni Cathy Garcia-Sampana.

Sinabi ng aktres na natakot siya noong una dahil ito ang First Project niya sa labas ng Love Team, at sanay na siyang makasama sa trabaho si Donny.

Gayunman, itinuring ito ni Belle na Good Opportunity para sa kanya upang maging versatile actress.

Idinagdag niya na bagaman parang may kaba ay nais niyang sumubok ng mga bago at mag-grow, at palagi siyang bukas para mayroon pang ibang matutunan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).